Archive for June, 2006

ambon…

Tuesday, June 20th, 2006

Ano’ng nararamdaman, tila ba’y nasasakupan, ng tumbay at kalungkutan. Nais mo bang ika’y makaraos din. Di ba’t pananampalataya, kailangan upang makaahon sa delubyong iyong nararanasan, at sa kasawian na dulot ng panahon, ambon lang yan. Kalangitan ay umiitim, naupos ang ilaw ng mga bituin, at sa paglipas ng oras ika’y napaiyak . Mga luhang tumulo buhat ng iyong pagtitimpi. Di ba’t ang Diyos ang siyang liwanag, sa dulo ng madilim na daan? Sa kanya lamang manalangin at wag nang tumungo pa kung kahit saan-saan. Ambon lang yan. Yayain mo ako sa yong jeepney. Sa makulay at magara mong jeepney. Na ang biyahe ay patungong langit. Kahit na signal no. 3, tayo ay magsisiawit, kung ako’y sinusumpong, daglian mong ibubulong: ambon lang yan..